Latest News

Friday, 09 February 2024 05:29

EXPERIENTIAL LEARNING, ISINAGAWA NG BDA BILANG PAGHAHANDA SA IMPLEMENTASYON NG MGA PROYEKTO SA MILF CAMPS

Written by
Rate this item
(0 votes)

February 8, 2024- Experiential learning isinagawa ng Bangsamoro Development Agency (BDA Inc.) bilang paghahanda sa implementasyon ng mga proyekto sa loob ng malalaking kampo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) noong February 6-7, 2024 sa iba’t ibang mga lugar sa Davao region.

Kabilang sa layunin ng nasabing pag-aaral ang pagkatuto sa paggamit at pamamahala ng makabagong teknolohiya tulad ng polyethylene o ultra violet (UV) plastic sa pagpapatuyo ng mga agricultural products.  

“Isa sa mga proyekto na napili ng mga komunidad sa mga kampo particularly sa Camp Abubakar ay Construction of Warehouse with Solar Dryer and Polyethylene”, ayon kay Kadafy Sinulinding, Project Coordinator ng BCTP mula sa BDA Inc.

Dagdag pa ni Sinulinding, “ang paggamit ng polyethylene ay bago pa sa atin kaya, isa sa mga layunin ng aktibidad ay makita natin ito in actual, anu-ano ang mga gamit nito at paano ito mina-manage”.  

Kabilang sa aktibidad ang pagbisita sa iba’t ibang institution na may UV plastic facilities tulad ng Unicarbai Multi-Purpose Cooperative sa barangay Basiawan, Sta. Maria, Davao Occidental; Malalag Cacao Growers Association sa barangay Poblacion, Malalag, Davao Del Sur; Migcawayan Tribal Agriculture Cooperative (MTAC) sa Brgy.   Migcawayan, Damulog, Bukidnon; at Integrated Rural Development Foundation Inc. (IRDF) sa Brgy. Tamlangon, Matanao, Davao del sur.

Nagkaroon ng orientation sa loob ng mga nasabing institutions at ibinahagi ang operational at maintenance activities na kanilang ginagawa sa tamang pamamahala ng UV plastics at iba pa. 

Kasama din sa nasabing aktibidad ang mga staff mula sa Community and Family Services International (CFSI).

Ang experiential learning ay kaugnay pa rin sa implementasyon ng Bangsamoro Camps Transformation Project (BCTP). Ang BCTP ay iniimplementa ng BDA Inc. katuwang ang CFSI.

Ito ay isa sa mga proyektong pinopondohan ng Bangsamoro Normalization Trust Fund (BNTF) na pinangangasiwaan ng World Bank.

Read 111 times Last modified on Friday, 09 February 2024 05:38
Login to post comments